Page archived courtesy of the Geocities Archive Project


Maligayang Kaarawan Mahal naming Obispo Gabriel Villaruz Reyes, D.D., Obispo ng Antipolo

 

Isinilang ang ating obispo Gabriel V. Reyes sa kalagitnaan ng ikalawang digmaang pandaigdig noong ika-3 ng Agosto, 1941. Ipinangalan siya sa kanyang tiyuhin  na si Gabriel M. Reyes, ang unang Pilipinong arsobispo ng Maynila. Bunso siya sa apat na anak nina Juan Reyes at Josefa Villaruz. Apat na buwan pagkasilang niya, sumakabilang buhay ang kanyang ama. Inilikas ni Nanay Pipay ang kanyang mga anak sa Roxas City. Doon na siya pumasok sa mababang paaralan ng St. Mary’s College at sa Collegio de la Purisima Concepcion.

Pumasok siya sa bilang minor seminarian sa Our Lady of Guadalupe Seminary at nang lumaon sa San Carlos Seminary. Nag-aral siya ng Teolohiya sa Pontifical Gregorian University sa Roma. Bunga ng pagkakasakit, bumalik siya sa Pilipinas at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa San Carlos Seminary.

Inordenahan siyang pari noong ika-21 ng Disyembre 1966. Naging sekretaryo siya ni Rufino Cardinal Santos (1966-1968), assistant parish priest sa San Juan, Pinaglabanan (1968-1970) at sa Immaculate Conception Parish sa Tayuman, Tondo (1970-1971). Naging assistant chaplain din siya sa Pius XII Catholic Center sa Maynila at assistant parish priest sa San Miguel Parish sa Maynila (1972-1974). Naging sekretaryo siya ni Jaime Cardinal Sin mula 1974 hanggang 1979.

Naging kura paroko siya sa San Felipe Neri sa Mandaluyong.  Lumipat naman siya sa Santa Clara de Montefalco Parish sa Pasay mula 1981 hanggang 1993.  Noong ika-20 ng Enero 1981 hinirang siya na maging obispo at itinalaga siya na auxiliary bishop ng Maynila. Ika-3 ng Abril 1981 inordenahan siya bilang obispo na may titulo bilang titular bishop ng Selsea. Siya ay naging district bishop na sumasakop sa mga bayan ng Pasay, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa. Mula 1983 hanggang 1995 naging chairman siya ng Commission on Migration and Tourism ng CBCP habang noong 1983 hanggang 1988, siya ay naging archdiocesan spiritual director ng Charismatic Renewal ng Maynila at mula 1984 hanggang 1988, naging spiritual director siya ng National Service Committee ng Charismatic Renewal movement..  Noong Enero 12, 1993, iniluklok siya bilang obispo ng Diyosesis ng Kalibo.

Nitong ika-29 ng Enero 2003 hanggang sa kasalukuyan siya umupo bilang obispo ng Diyosesis ng Antipolo. Isa sa mga pangunahing pangarap niya sa Diyosesis ang pagpapatayo ng isang minor seminary na pinangalanang Pope John Paul II Minor Seminary na sa kasalukuyan ay mayroong 73 minor seminarians, 32 sa first year at 41 naman sa second year.

Ngayong ika-3 ng Agosto 2008, ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-67 na kaarawan. Isama natin siya sa ating mga panalangin at hilingin ang biyayang maipagpatuloy pa niya ang kanyang paglilingkod sa Diyosesis at sa sambayanan ng mas mahaba pa.

 

* 1982-1995- Chairman, Commission on Migration and Tourism of CBCP
    * 1983-1988- Archdiocesan Spiritual Director, Charismatic Renewal
Manila
    * 1984-1988- Spiritual Director, National Service Committee of Charismatic Renewal

 

Makaraan ng apat na buwan, pumanaw ang kanyang ama. Mula sa Kalibo, lumipat ang mag-iina sa Roxas City.

 

Pumasok siya sa mababang paaralan sa St. Mary’s College at Collegio de la Purisima Concepcion

 

Siya ay bunso sa apat na magkakapatid sa Kalibo, Aklan

 

Makaraan ang apat na buwan, pumanaw ang kanyang ama. Mula sa Kalibo, inilipat siya ng kanyang ina sampu ng kanyang mga kapatid sa Roxas City

 

Ang natitira na lamang niyang kapatid ay si Amado “Tes” Reyes ang natitira na lamang niyang kapatid.

 

Ipinangalan siya sa kanyang tiyuhin na si Gabriel M. Reyes, ang unang arsobispo ng Maynila

 

na kilala sa “Nanay Pipay”

 

Gabriel M. Reyes

Gabriel M. Reyes, the first Filipino Archbishop of Manila , served from 1949 to 1952. Among his tangible achievements were the establishment of the San Carlos Seminary and the parochial schools. His vision to build a Catholic center was realized by his successor with the building of the Pope Pius XII Catholic Center on U.N. Avenue in Manila .

Si Gabriel M. Reyes ang unang Pilipinong Arsobispo ng Maynila. Naglingkod siya mula 1948 hanggang 1952. Itinatag niya ang San Carlos Seminary at mga parochial schools. Ang kanyang pangarap na magpatayo ng isang Catholic center ay isinakatuparan ng kanyang kahalili na pinangalang Pope Pius XII Catholic Center sa U.N. Avenue sa Maynila.

 

1